Face-to-face class maraming kondisyon

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na mayroon na silang listahan ng mga paaralan na maaring magsagawa ng dry run sakaling ipatupad ang face-to-face classes pero sa mga lugar lamang na may low risk at nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ng Covid-19.

The post Face-to-face class maraming kondisyon first appeared on Abante.

face to face class maraming kondisyon - Face-to-face class maraming kondisyon
abante face to face class - Face-to-face class maraming kondisyon

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na mayroon na silang listahan ng mga paaralan na maaring magsagawa ng dry run sakaling ipatupad ang face-to-face classes pero sa mga lugar lamang na may low risk at nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ng Covid-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, kailangan pang i-evaluate ang mga nominadong schools kung handa na sila at maaari lamang ilabas ang listahan kapag nakapasa na sila sa ‘final terms’ na ibinibigay ng Office of the President at Inter-Agency Task Force (IATF).

“While we have a list of nominated schools from regions, we will still evaluate its compliance with criteria and readiness,” ayon kay Sevilla.

Una nang sinabi ni DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones na mayroong mga regional directors na nagrerekomenda ng face-to-face classes at nilinaw nito na may kondisyon na kakaharapin ang bawat paaralan katulad ng pahintulot ang local government at written consent ng magulang.

Matatandang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposal ng DepEd na magsagawa ng face-to-face classes sa mga low COVID-19 risk simula sa January 2021. (Vick Aquino)

The post Face-to-face class maraming kondisyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *