Face shield delikado sa malabo mata, hirap huminga

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng face shield ng mga taong malabo ang mata at nahihirapan huminga.

The post Face shield delikado sa malabo mata, hirap huminga first appeared on Abante.

face shield delikado sa malabo mata hirap huminga - Face shield delikado sa malabo mata, hirap huminga
abante ncr 3 - Face shield delikado sa malabo mata, hirap huminga

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng face shield ng mga taong malabo ang mata at nahihirapan huminga.

Hindi nirerekomenda ng DOH ang pagsusuot ng face shield ng mga taong may respiratory issue.

Ito’y sa kabila ng inoobliga ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield kapag nasa matatao o mga pampublikong lugar.

“Hindi po natin nirerekomenda na gagamitin ang face shield kung ang isang tao ay mayroong specific na karamdaman na magkakaroon ng limitasyon sa paghinga kung sakali,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ginanap na online press conference.

Gayundin, ibinabala ng DOH ang pagsusuot ng face shield ng mga empleyado na may problema sa paningin.

“Hindi nirerekomenda sa trabahong magiging dangerous siya katulad na baka mag-reflect sa face shield magkaroon ng paglabo `yong sight niya,” ani Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Face shield delikado sa malabo mata, hirap huminga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *