Extralegal killing mas akmang tawag imbes na EJK — Carpio

SWS EJK survey pinalagan ni Albayalde

NILINAW ni Retired Justice Antonio Carpio na pagdating sa kampanya laban sa iligal na droga ay mayroong mga batas na kokontra sa drug trafficking na kailangang maipatupad.

extralegal killing mas akmang tawag imbes na ejk carpio - Extralegal killing mas akmang tawag imbes na EJK — Carpio
EJK - Extralegal killing mas akmang tawag imbes na EJK — Carpio

NILINAW ni Retired Justice Antonio Carpio na pagdating sa kampanya laban sa iligal na droga ay mayroong mga batas na kokontra sa drug trafficking na kailangang maipatupad.

Ang dapat aniyang usapin hinggil sa kontrobersyal na drug war ay kung mayroon nga bang nagaganap na ‘extrajudicial killing’.

Subalit, dahil hindi na umiiral ang death penalty sa bansa, mali raw kung kikilatisin ang terminong ‘extrajudicial killing’ na may tunay na kahulugan na pagpatay nang hindi iniuutos ng korte bilang parusa.

Ang mas akmang termino aniya para sa nangyayaring drug war sa bansa ay ang ‘extralegal killing’ o ang pagpatay na labag sa batas.

“There are laws against drug traffickin­g, and those laws will have to be implemen­ted and there are many ca­ses already filed in court, the issue here is whether there has been extrajudicial killing, you say it’s extrajudicial it’s outside of the courts,” ayon kay Carpio.

“But that’s really a misnomer because even the Supreme Court cannot order a killing. We have abolished death penalty, it’s should be extralegal killing because it’s outside the law,” sabi pa ni Carpio. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *