Extortion sinisilip sa Sultan Kudarat bombing

EXTORTION ang sinisilip na motibo ng pulisya sa likod ng pagpapasabog ng public market sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng walo katao, Sabado nang umaga.

extortion sinisilip sa sultan kudarat bombing - Extortion sinisilip sa Sultan Kudarat bombing
ABANTE Extortion - Extortion sinisilip sa Sultan Kudarat bombing

EXTORTION ang sinisilip na motibo ng pulisya sa likod ng pagpapasabog ng public market sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng walo katao, Sabado nang umaga.

Ayon kay Police Lt. Col. Joven Bagaygay, hepe ng Isulan Municipal Police Station (MPS), extortion ang pangunahing motibong sinisilip ng pulisya sa pagpapasabog ng public market sa Barangay Kalawag 3 sa bayan ng Isulan pasado alas-7:00 nang umaga nitong Sabado.

Subalit dagdag pa ng opisyal na hindi rin nila isinasantabi na posibleng mga extremist group ang siyang responsable sa insidente na patuloy nilang iniimbestigahan.

Ayon kay Bagaygay, isang tawag umano ang natanggap ni Isulan Mayor Marites Palasigue nitong Lunes mula sa isang grupo at humihingi umano ito ng halagang P250,000 kada buwan upang hindi masama ang bayan ng Isulan sa kanilang bobombahin na tinanggihan umano ng alkalde.

Hindi naman muna pinangalanan ni Bagaygay ang nasabing grupo subalit ito rin umano ang responsable sa nakalipas na pambobomba sa bayan.

Base sa CCTV footage na nakuha ng pulisya, inilagay ang bomba Biyernes pa lang nang gabi ng isang hindi pa kilalang lalaki na nakasuot ng pambabaeng damit.

Inako naman ng Islamic State ang pagpapasabog sa public market ng Sultan Kudarat. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *