Excited sa swimming, turista nalunod

Mag-ama nilamon ng ilog sa Lucena

NASAWI ang isang local tourist matapos na malunod sa beach habang naliligong mag-isa sa isla ng Tingloy, sa Batangas kamakalawa nang tanghali.

The post Excited sa swimming, turista nalunod appeared first on Abante News Online.

excited sa swimming turista nalunod - Excited sa swimming, turista nalunod
drowb - Excited sa swimming, turista nalunod

Ni Ronilo Dagos

NASAWI ang isang local tourist matapos na malunod sa beach habang naliligong mag-isa sa isla ng Tingloy, sa Batangas kamakalawa nang tanghali.

Kinilala ng Tingloy police ang nasawi na si Nesly Sagabaen.

Batay sa report ng pulisya, nangyari ang insidente sa Mapating Beach sa Brgy. Maricaban.

Sakay ng motorboat ang biktima kasama ang 12 iba pa at patungo sa kanilang transient house nang magpasya ang mga itong bumaba muna sa baybayin ng resort para magpa-picture.

Subalit lingid sa kaalaman ng mga kasama, dumiretso sa tubig ang biktima at nag-isang lumangoy.

Nakita na lamang ito na tinangay ng mga malalaking alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa tuluyang malunod.

The post Excited sa swimming, turista nalunod appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *