Ex-traffic chief dedo sa Laguna drug op

NASAWI ang dating hepe ng mga traffic enforcer ng bayan ng Siniloan sa buy-bust operation sa Pagsanjan, Laguna noong Linggo nang gabi.

The post Ex-traffic chief dedo sa Laguna drug op appeared first on Abante News Online.

ex traffic chief dedo sa laguna drug op - Ex-traffic chief dedo sa Laguna drug op
dead 2 - Ex-traffic chief dedo sa Laguna drug op

NASAWI ang dating hepe ng mga traffic enforcer ng bayan ng Siniloan sa buy-bust operation sa Pagsanjan, Laguna noong Linggo nang gabi.

Kinilala ng Pagsanjan police ang suspek na si Leodigario Recide, alyas ‘Odec’.

Isinagawa ng mga tauhan ng Laguna PIB /DEU, PDEA 4A at Pagsanjan police ang operasyon sa tinitirahang apartment ng suspek sa Jubillee Subdivision sa Barangay Sampaloc bandang alas-6:15 nang gabi.

Subalit nauwi sa engwentro ang operasyon matapos na magpaputok ang suspek nang makatunog na pulis ang ka-deal.

Dead-on-the-spot ang suspek na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Si Recide na tubong Siniloan ang responsable umano sa paglaganap ng iligal na droga sa mga bayan sa 4th district ng Laguna partikular sa Pagsanjan at Siniloan kungsaan nakakapagbenta ito ng nasa 50 gramo ng shabu linggo-linggo. (Ronilo Dagos)

The post Ex-traffic chief dedo sa Laguna drug op appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *