Ex-speaker Alvarez lumayas PDP-Laban

Inanunsyo ni dating speaker at Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang kanyang “irrevocable resignation” sa PDP-Laban party matapos ang mahigit limang -taong serbisyo bilang secretary-general.

The post Ex-speaker Alvarez lumayas PDP-Laban first appeared on Abante.

ex speaker alvarez lumayas pdp laban - Ex-speaker Alvarez lumayas PDP-Laban
abante pantaleon - Ex-speaker Alvarez lumayas PDP-Laban

Inanunsyo ni dating speaker at Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang kanyang “irrevocable resignation” sa PDP-Laban party matapos ang mahigit limang -taong serbisyo bilang secretary-general.

Batay sa inilabas na statement ni Alvarez, nais nitong ipagpatuloy ang voter’s education campaign at kahalagahan ng 2022 elections at buhayin ang Reporma na isang non-mainstream party na walang kaugnay sa anuman o sinumang personalidad na nagnanais na tumakbo sa mataas na posisyon ng pamahalaan.

Una nang tinanggap ni Alvarez ang alok ni dating Defense Secretary Renato de Villa bilang chairman at nagkasundong palakasin ang ang Reporma at manindigan sa iisang layunin.

“Unfortunately, serving as a ranking officer and member of PDP-Laban while simultaneously handling this advocacy may be misconstrued by critics as politicking by the Party presently in power,” base sa inilabas na statement ng kampo ni Alvarez. (Vick Aquino)

The post Ex-speaker Alvarez lumayas PDP-Laban first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *