Ex-senator Nene Pimentel nilibing na

INIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

ex senator nene pimentel nilibing na - Ex-senator Nene Pimentel nilibing na
ABANTE Nene Pimentel 1 - Ex-senator Nene Pimentel nilibing na

INIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

Dakong alas-nuwebe nang umaga, nagsama-sama ang mga kaanak, malalapit na kaibigan at tagasuporta ni Pimentel para mag-alay ng hu­ling misa para sa yumaong dating senador bago ito inilibing sa Heritage Park sa Taguig City.

Namatay si Pimentel noong nakaraang Linggo, October 20, sa edad na 85, dahil sa sakit na lymphoma at pneumonia.

Nakatatlong termino siya sa Senado at na­ging Senate President noong 2000 hanggang 2001.

Lumaban siya sa diktarduryang Marcos at matapos ang 1986 EDSA Revolution ay naluklok bilang mi­nister of local government.

Siya rin ang itinuturing na Ama ng Local Government Code. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *