Ex-mayor, 3 pa tinadtad ng bala sa Negros Oriental

Apat na katao kabilang ang isang dating alkalde, pinsan nito, isang konsehal at barangay chairman ang nasawi sa magkakahiwalay na pamamaril sa bayan ng Ayungon at Canlaon City sa Negros Oriental Sabado nang madaling-araw.

The post Ex-mayor, 3 pa tinadtad ng bala sa Negros Oriental appeared first on Abante News Online.

ex mayor 3 pa tinadtad ng bala sa negros oriental - Ex-mayor, 3 pa tinadtad ng bala sa Negros Oriental
baril 2 - Ex-mayor, 3 pa tinadtad ng bala sa Negros Oriental

Apat na katao kabilang ang isang dating alkalde, pinsan nito, isang konsehal at barangay chairman ang nasawi sa magkakahiwalay na pamamaril sa bayan ng Ayungon at Canlaon City sa Negros Oriental Sabado nang madaling-araw.

Batay sa report ng Negros Oriental Provincial Police Office, kinilala ang mga nasawi na sina da­ting Ayungon Mayor Edsel Gimang Enardecido, 60-anyos; Leo Enardecido, 45-anyos; Canlaon City Councilor Ramon Jalandoni, 65-anyos, at Ernesto Posadas, chairman ng Brgy. Panubigan, Canlaon City.

Naganap ang unang pamamaril bandang alas-12:14 nang hatinggabi sa Canlaon City nang pasukin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang bahay ni Konsehal Jalandoni at pinagbabaril ito.

Nabatid na nag-iwan pa umano ng mensahe ang mga suspek na isinulat sa sasakyan at dingding ng bahay ng biktima na “Mabuhay ang NPA…Ibagsak si Duterte”.

Makalipas ang ilang minuto ay pinagbabaril naman sa loob ng kanyang bahay si barangay Chairman Posadas at nag-iwan din umano ng parehong mensahe ang mga suspek.

Bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ni ex-Mayor Enardecido sa Brgy. Tampocon 1 sa bayan ng Ayungon at nadamay pa ang pinsan nitong si Leo na pinatay din ng mga hinihinalang miyembro ng NPA.

Bukod sa kanila ay una na ring pinaslang sa magkahiwalay na insidente ang abogadong si Anthony Trinidad sa Guihulngan City gayundin ang magkapatid na sina Arthur Cordevilla Bayawa, principal ng Guihulngan National High School-Poblacion, at Ardale Cordevilla Bayawa, Curriculum Implementation Division chief. (Vick Aquino)

The post Ex-mayor, 3 pa tinadtad ng bala sa Negros Oriental appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *