Ex-Honduras first lady, 87 taon kulong sa korapsyon

HINATULAN ng Honduran court si dating first lady Rosa Elena Bonilla kaugnay sa paglustay ng may $600,000 sa pagitan ng taong 2010 at 2014 ng pangulo pa ang asawang­ si Porfirio Lobo.

ex honduras first lady 87 taon kulong sa korapsyon - Ex-Honduras first lady, 87 taon kulong sa korapsyon
kulong - Ex-Honduras first lady, 87 taon kulong sa korapsyon

HINATULAN ng Honduran court si dating first lady Rosa Elena Bonilla kaugnay sa paglustay ng may $600,000 sa pagitan ng taong 2010 at 2014 ng pangulo pa ang asawang­ si Porfirio Lobo.

Ang hatol kay Bonilla ay nakatakdang ianunsyo sa Agosto 28 kung saan ay makukulong ito ng mula 58 hanggang 87 taon sa kalaboso.

Napawalang-sala naman ang bayaw ni Bonilla na si Mauricio Mora sa kaso.
Ang kaso ay orihinal na ini­akyat ng Organization of American States’ anti-corruption mission na nagsimula ang mandato noong 2016 matapos ang malawakang protesta laban sa koraps­yon.

Ayon sa National Anticorruption Council nagdeposito si Bonilla ng $600,000 mula sa pondo ng gobyerno patungo sa kanyang personal bank account, limang araw bago magtapos ang apat na taong termino ni Lobo noong Ene­ro 2014.

Natuklasan ng prosecutor na ginamit ni Bonilla ang salapi para pambili ng alahas at pambayad ng mga credit card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *