Ex-GSIS president Aranas sinibak sa corruption

Sinibak at hindi nag-resign si dating Government Service Insu­rance System (GSIS) President Jesus Clint Aranas.

The post Ex-GSIS president Aranas sinibak sa corruption appeared first on Abante News Online.

ex gsis president aranas sinibak sa corruption - Ex-GSIS president Aranas sinibak sa corruption
abante Aranas - Ex-GSIS president Aranas sinibak sa corruption

Sinibak at hindi nag-resign si dating Government Service Insu­rance System (GSIS) President Jesus Clint Aranas.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati Biyernes nang gabi sa inagurasyon ng Agventures Rice Processing Center sa Alangalang, Leyte na sinipa niya ang dating opisyal dahil sa isyu ng korapsiyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na isa sa mga pangako nito noong panahon ng kampanya ay harapin ang problema sa korapsiyon na siya niyang ginagawa na ngayon.

“I promised little, I did not make any grandiose or…sinabi ko lang kapag nanalo ako I will deal with corruption. I am dealing with it until now. I just fired the GSIS President ,” anang Pangulo.

Ang pahayag ng Pangulo ay taliwas sa sinabi ng tagapagsa­lita nito na si Secretary Salvador Pane­lo matapos itangging nawalan ng kumpiyansa ang Presidente kay Aranas.

Sinabi ni Panelo na nag-resign si Aranas at tinanggap naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa resignation letter ni Aranas na isinumite sa Office of the President na iiwanan niya ang GSIS na hindi makokompromiso ang tanggapan at ang kanyang integridad dahil isinulong nito ang interes ng ahensiya .

Nauna rito, inatasan ng Commission on Audit ang GSIS na i-refund ang 260 milyong pisong insentibo na ibinigay sa mga empleyado dahil hindi ito dumaan sa pag-apruba ng Office of the President (OP) at Department of Budget and Management (DBM). (Aileen Taliping)

The post Ex-GSIS president Aranas sinibak sa corruption appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *