Ex-DOH spokesman patay sa cardiac arrest

NASAWI matapos ang cardiac arrest ang da­ting tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Asec. Lyndon Lee Suy sa edad na 55.

ex doh spokesman patay sa cardiac arrest - Ex-DOH spokesman patay sa cardiac arrest
Patay 1 - Ex-DOH spokesman patay sa cardiac arrest

NASAWI matapos ang cardiac arrest ang da­ting tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Asec. Lyndon Lee Suy sa edad na 55.

Ayon sa mga kasamahan ni Lee Suy sa DOH, binawian ito ng buhay kahapon nang umaga.

Nalaman na nagtuturo si Suy sa isang paaralan sa Lungsod ng Valenzuela nang sumama ang pakiramdam.

Naisugod pa si Suy sa pagamutan bago nalagutan ng hininga.

Hindi pa nagpapala­bas ng anumang de­talye ang mga kaanak nito ukol sa magiging burol at libing.

Nabatid na si Lee Suy ay nagsisilbing assistant secretary for Office of Health Policy and Systems Development Team. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *