Ex-COP sa Isabela itinumba ng tandem

DEDO ang isang dating hepe ng pulisya matapos pagbabarilin ng pinaghihinalaang riding-in-tadem sa sabungan sa Brgy. Tuguegarao, Echague, sa Isabela noong Linggo nang umaga.

The post Ex-COP sa Isabela itinumba ng tandem appeared first on Abante News Online.

ex cop sa isabela itinumba ng tandem - Ex-COP sa Isabela itinumba ng tandem
abante patay - Ex-COP sa Isabela itinumba ng tandem

DEDO ang isang dating hepe ng pulisya matapos pagbabarilin ng pinaghihinalaang riding-in-tadem sa sabungan sa Brgy. Tuguegarao, Echague, sa Isabela noong Linggo nang umaga.

Kinilala ng Echague Municipal Police Station (EMPS) ang biktima na si P/Major Danilo Alingog, dating chief-of-police ng Angadanan Police Station (APS) ng Fugaru, Angadanan ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon ng EMPS, bago ang pamamaril ay papalabas umano sa WML cockpit arena ang biktima at nasa aktong pasakay ng kotse ng lapitan siya ng dalawang suspek na lulan ng mortorsiklo na walang plaka mula sa kanyang likuran at pinaputukan sa ulo at katawan na agad na namatay.

Si Alingog ay nagretito bilang hepe ng pulis ng Angadanan kamakailan lamang.

Patuloy ang follow-up investigation ng EMPS kung ano ang motibo ng pamamaril sa biktima at isang manhunt operation ang ikinasa ng Isabela Police Office laban sa mga suspek. (Allan Bergonia)

The post Ex-COP sa Isabela itinumba ng tandem appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *