Ex-ConCon member tinakbuhan ng congressman sa P100K

kartada

GUSTO raw matuto ng bagitong mambabatas sa mga parliamentary procedure kaya umarkila ito ng taong magtuturo sa kanya.

ex concon member tinakbuhan ng congressman sa p100k - Ex-ConCon member tinakbuhan ng congressman sa P100K
kartada11 - Ex-ConCon member tinakbuhan ng congressman sa P100K

GUSTO raw matuto ng bagitong mambabatas sa mga parliamentary procedure kaya umarkila ito ng taong magtuturo sa kanya.

Bigatin ang nakuhang instructor ng neophyte congressman dahil dating miyembro ito ng Constitutional Convention o ConCon.

Nakatatlong sesyon daw si ex-ConCon member sa pagtuturo sa mam­babatas pero hindi ito natapos matapos tumawad ang mambabatas sa napagkasunduang presyo.
Matapos tumanggi ang instructor, hindi na raw nagpaturo muli ang mambabatas.

Ang masaklap nito, hindi man lang nagbayad si congressman ng P100,000 sa taong nagturo sa kanya ng gawain sa Kamara.

Hindi na masingil ni professor itong si congressman dahil sa wala naman silang pinirmahang kontrata kundi verbal lamang.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na tumangging magbayad ng P100K sa taong nagturo sa kanya ay kilalang basagulero at may letrang S sa kanyang pangalan as in Switik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *