Ex-con tumba sa pangongotong

ISANG ex-convict na miyembro umano ng gun-for-hire ang todas matapos ratratin ng mga awtoridad sa Malabon City nitong Sabado nang gabi.

ex con tumba sa pangongotong - Ex-con tumba sa pangongotong
dead 2 - Ex-con tumba sa pangongotong

ISANG ex-convict na miyembro umano ng gun-for-hire ang todas matapos ratratin ng mga awtoridad sa Malabon City nitong Sabado nang gabi.

Kinilala ang suspek na si Richard Delos Reyes, alyas ‘Taguro’ at ‘Mata’, nasa hustong gulang, naninirahan sa Damata Compound, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Ayon sa mag-asawang Josefina at Ramil Tolentino, ng No. 22 Aquino St., Barangay Niugan, Malabon City, dati nilang kaibigan si Delos Reyes nang hindi pa ito nakukulong sa kasong Murder.

Ngunit nagbago nang lumaya at lagi na lang silang hinihingan ng pera dahil nalulong sa iligal na droga at luminya rin sa gun-for-hire activities.
Sabado ng alas-10:20 nang gabi ay muling nanghingi ng pera sa mag-asawa ang suspek kaya sa galit ay nagsumbong sa mga pulis.

Rumesponde ang mga parak at naaabutan sa Aquino St., Barangay Niugan si Delos Reyes, subalit nang makita ang paparating na mga parak ay nagpaputok kung saan nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng ex-con.

Nakuha kay Delos Reyes ang isang caliber .38 na may limang bala at limang pirasong plastic sachet na may lamang shabu. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *