Evasco bigo sa manok ni Gloria

LUMAMANG sa dikitang laban sa gubernatorial race ng Bohol si Rep. Arthur Yap kontra kay dating Cabinet secretary Leoncio ‘Jun’ Evasco Jr.

The post Evasco bigo sa manok ni Gloria appeared first on Abante News Online.

evasco bigo sa manok ni gloria - Evasco bigo sa manok ni Gloria
ABANTE evasco - Evasco bigo sa manok ni Gloria

LUMAMANG sa dikitang laban sa gubernatorial race ng Bohol si Rep. Arthur Yap kontra kay dating Cabinet secretary Leoncio ‘Jun’ Evasco Jr.

Base sa partial, unofficial results mula sa 99.44% ng election returns as of 4:50 p.m., si Yap ay nakakuha ng 325,242 kumpara sa 322,232 ni Evasco.

Si Yap ay naging Agriculture secretary noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Evasco kahit na si Yap ang opisyal na kandidato ng ruling PDP-Laban.

Tumakbo sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition si Evasco at suportado rin ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Tinambakan naman ng running mate ni Yap na si Vice Governor Rene Relampagos si Tomas Abado, Jr.

The post Evasco bigo sa manok ni Gloria appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *