Estudyante tinamaan ng COVID: CHED iimbestigahan face-to-face class sa Isabela

Posibleng mapasara ang isang eskuwelahan sa Cauayan City, Isabela matapos na magsagawa ng face-to-face classes, kung saan isa sa um-attend dito ay nagpositibo sa COVID-19.

The post Estudyante tinamaan ng COVID: CHED iimbestigahan face-to-face class sa Isabela first appeared on Abante.

estudyante tinamaan ng covid ched iimbestigahan face to face class sa isabela - Estudyante tinamaan ng COVID: CHED iimbestigahan face-to-face class sa Isabela
ched 1 - Estudyante tinamaan ng COVID: CHED iimbestigahan face-to-face class sa Isabela

RP
Posibleng mapasara ang isang eskuwelahan sa Cauayan City, Isabela matapos na magsagawa ng face-to-face classes, kung saan isa sa um-attend dito ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Mayor Bernard Faustino Dy na aabot sa 20 estudyante ang dumalo sa naturang klase, at ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing para ma-swab test ang mga ito.

Naka-admit na rin sa isolation facility ang estudyante na nagpositibo sa COVID-19.

Saad pa ng alkalde, kanila nang iniimbestigahan, kasama ang Commission on Higher Education (CHED), ang naturang insidente lalo’t hindi nagpaalam ang pribadong paaralan sa pagsasagawa ng face-to-face class.

Kinuwestiyon din ni Dy na posibleng weekend umano ginawa ang klase na posibleng para sa remedial class.

“Hindi in-allow ng CHED that’s why iniimbestigahan po namin dahil umabot rin sa kanila ‘yong report at ‘yon nga po, walang pahintulot mula sa LGU or sa CHED,” ayon sa local official.

The post Estudyante tinamaan ng COVID: CHED iimbestigahan face-to-face class sa Isabela first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *