Estudyante patay, 20 sugatan sa bumagsak na puno

NAMATAY ang isang 12-anyos na estudyante habang 10 iba pa ang sugatan matapos mada-ganan ng puno ng acacia ang mga ito habang nakasilong sa isang co-vered walk way sa ba-yan ng Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa nang hapon.

The post Estudyante patay, 20 sugatan sa bumagsak na puno appeared first on Abante News Online.

estudyante patay 20 sugatan sa bumagsak na puno - Estudyante patay, 20 sugatan sa bumagsak na puno
police 5 - Estudyante patay, 20 sugatan sa bumagsak na puno

NAMATAY ang isang 12-anyos na estudyante habang 10 iba pa ang sugatan matapos mada-ganan ng puno ng acacia ang mga ito habang nakasilong sa isang co-vered walk way sa ba-yan ng Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa nang hapon.

Naisugod pa sa South Cotabato Provincial Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Albert Timbang, grade 7 student ng Dekolon High School of the Santa Cruz Mission Inc. ngunit binawian ng buhay, habang 10 iba pang estud-yante mula sa Lake Sebu National High School ang sugatan at nasa ligtas nang kalagayan.

Naganap ang insidente dakong alas-12:30 nang hapon nang big-lang bumuhos ang ulan kasabay ng malakas na hangin sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.
Magkalapit lang ang dalawang eskwelahan at sumilong sa covered walk way ang mga estudyante upang magpatila ng sama ng panahon.

Subalit isang ipu-ipo ang dumaan sa lugar dahilan upang mabunot ang isang malaking puno ng acacia sa lugar at eksaktong bumagsak kung saan naroroon ang mga estudyante.

Samantala nangako naman ng ayudang pinansyal ang local go-vernment unit ng Lake Sebu sa pamilya ng biktima. (Edwin Balasa)

The post Estudyante patay, 20 sugatan sa bumagsak na puno appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *