Estudyante natuhog ng bakal sa leeg, dedo

BINAWIAN ng buhay ang grade 9 student sa Pozorrubio, Pangasinan nang aksidenteng matusok ng bakal ang kanyang leeg habang naglalaro ng basketball noong Linggo.

estudyante natuhog ng bakal sa leeg dedo - Estudyante natuhog ng bakal sa leeg, dedo
dead 24 - Estudyante natuhog ng bakal sa leeg, dedo

BINAWIAN ng buhay ang grade 9 student sa Pozorrubio, Pangasinan nang aksidenteng matusok ng bakal ang kanyang leeg habang naglalaro ng basketball noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Imbat, 15-anyos.

Ayon sa ulat ng Pozorrubio Police, nagla­laro ng basketball ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang habulin nito ang tumalbog na bola malapit sa nakaparadang kuliglig at dito nawalan siya ng balanse.

Dahil dito, tumama ang kanyang leeg sa nakausling iron bar na may habang tatlong pulgada na tumusok sa kanyang leeg at tumagos sa utak.

Agad na sinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito uma­bot nang buhay. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *