Estudyante nakuryente sa nakalaylay na live wire

TODAS ang isang 16-anyos na high school student matapos makuryente sa hinawakang live wire na nakalaylay sa daan sa Barangay Sta. Monica, Bauang, La Union noong Lunes nang hapon.

estudyante nakuryente sa nakalaylay na live wire - Estudyante nakuryente sa nakalaylay na live wire
dead 20 - Estudyante nakuryente sa nakalaylay na live wire

TODAS ang isang 16-anyos na high school student matapos makuryente sa hinawakang live wire na nakalaylay sa daan sa Barangay Sta. Monica, Bauang, La Union noong Lunes nang hapon.

Kinilala ng Bauang Police Station (BPS) ang biktima na si Ivan Dublong, ng nasabing bayan.

Ayon sa BPS, nangyari ang insidente bandang ala-1:30 nang hapon.

Kasama ng biktima na naglalakad sa barangay road ang kapatid nito na si Allen Dublong, 23-an­yos, at isa pa nilang kasama na si Daryl Castillejos, 19, nang makita nila ang nakalaylay na wire.

Dito, hinawakan ni Ivan ang nasabing wire ngunit bigla itong nanginig at agad na natumba. Kasunod noo’y nangitim na ang buo niyang katawan sanhi ng malakas na boltahe ng kuryente na pumasok dito.

Dinala ang biktima sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga medical expert.

(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *