Estudyante nagsaka para sa online class

Para makabili ng smartphone at may magamit sa distance learning, tiniis ng isang estudyante mula sa Leyte ang makakapal na putik at matinding init mula sa sikat ng araw.

The post Estudyante nagsaka para sa online class first appeared on Abante.

estudyante nagsaka para sa online class - Estudyante nagsaka para sa online class
bultron - Estudyante nagsaka para sa online class

Para makabili ng smartphone at may magamit sa distance learning, tiniis ng isang estudyante mula sa Leyte ang makakapal na putik at matinding init mula sa sikat ng araw.

Inabot ng tatlong buwan na nagtrabaho sa bukid si Rocky Bultron, 20, ng Villa Rosas village sa Burauen, Leyte para makapundar ng P5,400 para sa kanyang smartphone.

Simula Mayo nitong taon, kinailangang maglakad ng mahigit isang kilometro si Bultron, tumawid ng walong ilog at batis para magtrabaho sa isang coconut farm at palaisdaan sa kalapit na Tambis village.

Bata pa lang si Bultron nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ipinasa silang magkapatid sa kanilang lolo’t lola, na kapwa pumanaw na.

Nagtrabaho ang kanyang ina bilang household worker overseas at kumita ng P15,000 kada buwan pero hindi ito sapat para sa pangangailangan ng lima niyang anak sa dalawang bigong relasyon.

Kaya naman humanap ng paraan si Bultron para kumita nang sarili niya. Pumasok siya bilang laborer na may sahod na P200 kada araw. Maliit na halaga lang ang ginagastos niya sa pagkain at ang natitira ay iniipon niya hanggang umabot ito sa P5,400 at nakabili na siya ng bagong smartphone noong August 22. (PNA)

The post Estudyante nagsaka para sa online class first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *