Estudyante dinakma sa paghithit ng marijuana sa kalsada

marijuana-abante

KULUNGAN ang bagsak ng 18-anyos na estudyante na nahuling humihithit ng marijuana sa kalsada sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

The post Estudyante dinakma sa paghithit ng marijuana sa kalsada appeared first on Abante News Online.

estudyante dinakma sa paghithit ng marijuana sa kalsada - Estudyante dinakma sa paghithit ng marijuana sa kalsada
marijuana abante - Estudyante dinakma sa paghithit ng marijuana sa kalsada

KULUNGAN ang bagsak ng 18-anyos na estudyante na nahuling humihithit ng marijuana sa kalsada sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Lsabelo John Loren III, ng Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Nagsasagawa umano ng Anti-Criminality patrol sina P/Cpl. Raymund Dio at Pat Jocklark, mga naka-assigned sa Police Commumity Precinct ng Caloocan Police Station, bandang alas-5:39 ng madaling-araw.

Pagsapit nila sa kahabaan ng Kapayaan Street, Bagong Barrio, may lumapit umano sa kanila na mga residenteng sinabi na may mga kabataang nagma-marijuana sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.

Kaagad na pinuntahan ng dalawang pulis ang lugar na sinabi ng concerned citizen, ngunit nang mamataan ang kanilang sasakyan ay nagkanya-kanyang takbo ang mga nagpa-pot session.

Nakorner si Loren at nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na may lamang dahon ng marijuana. (Orlan Linde)

The post Estudyante dinakma sa paghithit ng marijuana sa kalsada appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *