Estrada-Ejercito clan minasaker sa halalan

MINASAKER sa May 13 midterm elections ang lahat ng mga kandidato ng pamilya Estrada at Ejercito.

The post Estrada-Ejercito clan minasaker sa halalan appeared first on Abante News Online.

estrada ejercito clan minasaker sa halalan - Estrada-Ejercito clan minasaker sa halalan
ABANTE earp - Estrada-Ejercito clan minasaker sa halalan

By Juliet de Loza-Cudia

MINASAKER sa May 13 midterm elections ang lahat ng mga kandidato ng pamilya Estrada at Ejercito.

Ang patriarch ng angkan na si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada ay natalo sa kanyang reeleksyon bilang alkalde ng Maynila sa kamay ng dati niyang vice-mayor na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso. Nakakuha si Domagoso ng 354,327 boto kontra sa 208,561 ni Estrada as of 2:50 p.m nitong Martes, mula sa 99.06% ng election returns.

Tinanggap ni Estrada ang pagkatalo sa Maynila pero ang pinakamasakit sa kanya ay nang matalo din ang apo na si Vice-Mayor Janella Estrada kay dating Vice-Mayor Francis Zamora sa mayoralty race ng San Juan. Prinoklama na si Zamora bilang nanalong alkalde sa halalan.

“Masakit, mabigat, pinipilit kong intindihin kung paano siya natalo, maski sa sarili niyang barangay,” ayon kay Estrada.

Sinabi pa ni Estrada na mistulang pinagkaisahan silang lahat dahil hindi niya maisip kung papaano sila natalo sa halalan.

Ang San Juan ay halos limang dekadang pinamunuan ng mga Estrada at Ejercito. Nagsimula ito nang mahalal si Estrada bilang alkalde noong 1969.

Sumunod sa kanyang yapak ang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada at Senador JV Ejercito. Si Mayor Guia Gomez ang huling angkan ng Ejercito na maninilbihang alkalde ng San Juan.

Natalo rin ang anak ni Erap na si Jerica bilang konsehal ng Fourth District ng Maynila.

Sa senatorial race, nasa bingit din ng pagkatalo sina Jinggoy at JV. Si JV, anak ni Erap kay Guia, ay pang-13 puwesto samantalang pang-15 naman si Jinggoy kung saan 94.94% na ng election returns ang pumasok as of 2:50 pm nitong Martes.

Talo din sa gubernatorial race ng Laguna si ER Ejercito at si Gary Estrada na tumakbong vice-mayor ng Cainta, Rizal.

The post Estrada-Ejercito clan minasaker sa halalan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *