Estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan pasok sa Guinness

NASUNGKIT ng Bayambang, Pangasinan ang Guinness Book of World Records (GBWR) bilang highest and tallest bamboo structure sa buong mundo noong Biyernes.

The post Estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan pasok sa Guinness appeared first on Abante News Online.

estatwa ni st vincent ferrer sa pangasinan pasok sa guinness - Estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan pasok sa Guinness
abante St. Vincent Ferrer - Estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan pasok sa Guinness

NASUNGKIT ng Bayambang, Pangasinan ang Guinness Book of World Records (GBWR) bilang highest and tallest bamboo structure sa buong mundo noong Biyernes.

Ayon kay Bayambang tourism officer Rafael Saygo, dahil sa GBWR, inaasahan umanong magiging maganda ang takbo ng ekonomiya sa nasabing bayan sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Saygo na posible ring gumanda at mapalawig pa ang kanilang mga infrastructure project lalong-lalo na pagdating sa agrikultura.

Makakatulong din aniya sa turismo ng ba­yan ang kanilang bagong GBWR na kalaunan ay posible umanong makilala bilang isa na sa tourist spot sa Bayambang.

Kinilala ang estat­­­­­wang kawayan ni St. Vincent Ferrer bilang pinakamataas na bamboo structure na may sukat na 50.23 meters.

Tinalo ng nasabing estatwa ang Statue of Liberty sa New York, USA na may sukat na 30 meters at Christ the Redeemer sa Brazil, na tinatayang nasa 38 meters lang. (Allan ­Bergonia)

The post Estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan pasok sa Guinness appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan pasok sa Guinness

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *