Erwin Tulfo tiklop sa ultimatum ng PNP

Kumontak na umano sa Philippine National Police (PNP) ang kampo ni Erwin Tulfo dahil sa isyu ng expired na License To Own and Possess Firearms (LTOPF).

The post Erwin Tulfo tiklop sa ultimatum ng PNP appeared first on Abante News Online.

erwin tulfo tiklop sa ultimatum ng pnp - Erwin Tulfo tiklop sa ultimatum ng PNP
erwin 1 - Erwin Tulfo tiklop sa ultimatum ng PNP

Kumontak na umano sa Philippine National Police (PNP) ang kampo ni Erwin Tulfo dahil sa isyu ng expired na License To Own and Possess Firearms (LTOPF).

Sa press briefing na isinagawa kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Bernard Banac na noong Lunes ay nagtungo na ang kampo ni Erwin sa PNP Firearms and Explosive Office, kaparehong araw nang sinabi ni PNP chief Police General Oscar Albayalde na mapipilitan silang gawin ang nararapat kung hindi pansamantalang isusuko ng brodkaster ang pito niyang baril na expired ang lisensya.

Pero ayon kay Banac, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin isinusuko ni Erwin ang kanyang mga baril.

“Opo, nakipag-ugnayan ang kampo ni Erwin Tulfo sa pamunuan ng Firearms and Explosives Office na kaagaran na isasakatuparan nila, na gagawin nila ‘yung renewal of the license,” pahayag ni Banac

“Subalit, hinihintay pa rin natin ‘yung kanilang aksyon ng kusang pagsuko ng mga firearm na nakarehistro kay Mr. Erwin Tulfo. Inaantabayanan natin na gagawin nila ito,” dagdag pa pa ng opis­yal.

Pero ayon kay Banac, bibigyan pa rin nila ng tsansa si Tulfo upang i-surrender ang kanyang mga baril at inaasahan nila ito anumang oras.

“Binibigyan natin ng pagkakataon ang kampo ni Erwin Tulfo, kapag hindi nga, isasakatuparan ng PNP ang next step, ‘yung Oplan Katok, kapag hindi pa rin ‘yung next police action na pagsasampa ng search warrant,” pahayag ni Banac.

Inaasahan din ni Banac na idadaan ni Tulfo sa tamang proseso ang renewal ng lisensya ng kanyang mga baril. (Edwin Balasa)

The post Erwin Tulfo tiklop sa ultimatum ng PNP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *