Erwin Tulfo qualified sa PCOO — Andanar

WALA umanong na­ba­banggit si Pangulong Rodrigo Duterte na planong ilagay sa Presidential Communications Office (PCOO) ang television personality na si Erwin Tulfo.

The post Erwin Tulfo qualified sa PCOO — Andanar appeared first on Abante News Online.

erwin tulfo qualified sa pcoo andanar - Erwin Tulfo qualified sa PCOO — Andanar
andanar 4 - Erwin Tulfo qualified sa PCOO — Andanar

WALA umanong na­ba­banggit si Pangulong Rodrigo Duterte na planong ilagay sa Presidential Communications Office (PCOO) ang television personality na si Erwin Tulfo.

Sinabi ni PCOO secretary Martin Andanar na magkaibigan sila ni Tulfo at magkasama noon bilang beat reporters pero hindi aniya nila napag-uusapan ang tungkol sa alok na puwesto sa PCOO.

“The President has not talked to me about it, so wala”. I might talk to him (Tulfo) as a friend but we dont really talk this position,” ani Andanar.

Posible aniyang may ibang nag-alok kay Tulfo pero wala aniya siyang narinig.

Pero sinabi ni Andanar na kung sakaling papasok si Tulfo sa gobyerno, kuwalipikado aniya ito batay na rin sa malawak na karanasan sa pamamahayag.

“He has been in the media for ages. He started at the print, and then went to radio tapos nag-TV siya, nag-anchor siya and he has the trust of millions of Filipinos and he has huge following, and with that alone talagang mabigat na ang kanyang credi­bility,” dagdag pa ni Andanar.

Pero sinabi ng kalihim na sa ngayon ay si Presidential Spokesman Salvador Panelo pa rin ang opisyal na tagapagsalita ng Malacañang at wala nang iba pang binigyang magsalita para sa Presidente.

Nauna dito, itinanggi ni (PCOO) Secretary Martin Andanar na ililipat siya ng ibang puwesto.

Lumutang ang ulat na mula sa PCOO ay gagawin itong Presidential Political Adviser.

Ayon kay Andanar, walang nababanggit sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte at kung may plano man ito para sa kanya ay sundalo lamang siya na susunod sa utos.

Sinabi pa ni Andanar na nagsisilbi siya ayon sa kagustuhan ng Presidente.

Kasabay nito pina­ngunahan ni Andanar ang ribbon cutting sa bagong bihis na tanggapan ng Presidential Broadcast staff-Radio-Television Malacañang (PBS-RTVM) sa isang simpleng seremonya sa RTVM building sa Malacañang. (Aileen Taliping)

The post Erwin Tulfo qualified sa PCOO — Andanar appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *