Eroplano ng Australian Air Force nag-emergency landing sa Tacloban

ISANG Royal Australian Air Force aircraft ASY 727 na may lulang 38 crew members at 8 aircraft officials ang nag-emergency landing sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City dakong alas-12:47 Sabado nang hapon.

eroplano ng australian air force nag emergency landing sa tacloban - Eroplano ng Australian Air Force nag-emergency landing sa Tacloban
ABANTE Australian Air Force - Eroplano ng Australian Air Force nag-emergency landing sa Tacloban

ISANG Royal Australian Air Force aircraft ASY 727 na may lulang 38 crew members at 8 aircraft officials ang nag-emergency landing sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City dakong alas-12:47 Sabado nang hapon.

Ayon sa ulat, ang Boeing C17 Globemaster III type of aircraft na may registry # A41-209 ay bumara sa north taxiway ng Tacloban airport at kaagad namang binuksan ang south taxiway nito para hindi matigil ang operasyon ng nabanggit na pangunahing paliparan sa Eastern Visayas.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng air traffic service, CrashFire Rescue Unit at Security and Intelligence Service ng Civil Aviation Authority of the Philippines Tacloban para ayudahan ang may 46 air force personnel na lulan nito.

Ang Australian military plane ay nanggaling pa sa Kadena, Japan at patungo sana sa Edinburg, South Australia. Hindi naman nilinaw kung ano ang naging sanhi ng pag-emergency landing nito, ngunit may nakita umanong usok na nagmula sa cockpit.

Nakahimpil ang eroplano sa Bay 1 ng Tacloban airport habang ang mga air force personnel ay naka-book sa malapit na hotel habang hinihintay ang pagdating ng spare parts ng eroplano. (Otto Osorio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *