Eroplano nagliyab habang papalapag sa Teheran airport

ISANG pampasaherong eroplano ang nagliyab habang papalapag sa Mehrabad Airport sa Teheran, Iran nitong Martes.

The post Eroplano nagliyab habang papalapag sa Teheran airport appeared first on Abante News Online.

eroplano nagliyab habang papalapag sa teheran airport - Eroplano nagliyab habang papalapag sa Teheran airport
airport 1 - Eroplano nagliyab habang papalapag sa Teheran airport

ISANG pampasaherong eroplano ang nagliyab habang papalapag sa Mehrabad Airport sa Teheran, Iran nitong Martes.

Ligtas naman ang mga pasahero na mabilis nakalabas ng eroplano matapos makalapag sa paliparan, ayon sa pinuno ng emergency department ng Iran.

Ipinost pa ng Islamic Republic News Agency ang bidyo ng pag-apoy at mga spark sa likod ng eroplano habang palapag ito sa airport.

Nabatid na ang apoy ay nanggaling sa landin­g gear ng eroplano na hindi bumukas nang maayos, ayon kay Pir-Hoessein Kolivand.

Nahirapan umano ang piloto ang buksan ang gulong sa likuran kaya’t umikot muna ito sa airport bago nagdesisyon na lumapag nang bumukas na ang lahat ng mga landing gear, pero may isa pala ang naipit at hindi maayos na nakabukas.

Ang eroplano ay isang Fokker 100 na pag-aari ng Iran Air. Hindi naman malinaw kung ilan talaga ang sakay ng eroplano dahil unang napaulat na 100 ang sakay nito pero ayon sa Civil Aviation Organisation, 24 lamang ang pasahero at 9 na crew.

The post Eroplano nagliyab habang papalapag sa Teheran airport appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *