Erap umubos ng 2.9B bago lumayas

Binakbakan ni Manila­ Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang administrasyon ni dating Manila mayor Joseph Estrada dahil­ sa kabiguang magsumite ng report bago bumaba sa puwesto.

The post Erap umubos ng 2.9B bago lumayas appeared first on Abante News Online.

erap umubos ng 2 9b bago lumayas - Erap umubos ng 2.9B bago lumayas
erap 4 - Erap umubos ng 2.9B bago lumayas

Binakbakan ni Manila­ Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang administrasyon ni dating Manila mayor Joseph Estrada dahil­ sa kabiguang magsumite ng report bago bumaba sa puwesto.

Alinsunod sa naka­saad sa Memorandum circular na nilagdaan ni Interior and Local Go­vernment Secretary Edgardo Ano noong Marso 13, 2019 kailangang magsumite ng papaalis na administrasyon ng mga sumusunod: Comprehensive Development Plan, Annual Investment Plan, Comprehensive Land Use Plan, Executive Legislative agenda, Capability Development Fund, Executive Legis­lative Agenda, Executive Order, COA report (CY 2018) Contracts and loan agreements at Governance Assessment Report.

“Wala kahit na isang dokumento nai-turn over. Zero, nothing wala kaya wala akong iri-report sa inyo,” ani Moreno.

Binira din ni Moreno ang pagkakatuklas sa ginastos ng administras­yon ni Estrada mula Mayo 13 hanggang Hunyo 28 na umabot sa P2.9 bilyon mula sa mga commercial contract.

“Hindi pa tayo tapos, titiyakin ko na may mana­nagot dito,” giit pa ni Isko.
Kaugnay nito ay nagbabala si Isko sa mga konsehal ng Maynila na mapapatunayan niyang protector ng iligal na droga at pasugalan.

Ito ang bahagi ng State of the City Address (SOCA) ni Moreno sa pagbubukas ng ika-11th regular session ng Manila City Council.

“Kung sino man ang involve sa inyo dito sa sugalan, itigil na ninyo yan hindi kayo siga, kayo pa naman ang konsehal tapos kayo ang hahawak ng sugalan, ano kayo walang pamahalaan kung iyong mga barangay chairman ay poposasan ko kayo din mga konsehal,” ayon kay Moreno.

Hiniling din ni Moreno sa mga bagong halal na konsehal na tulungan siya na maipasa ang mga batas na may kinalaman sa pagbibigay ng buwanang allowance sa mga scholar na estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), pension sa mga senior citizen. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Erap umubos ng 2.9B bago lumayas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *