Erap, Lani nganga sa iligal na droga

NAGHAIN ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa tanggapan nina Manila City Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at Taguig City Mayor Lani Cayetano dahil sa mababang performance sa operasyon ng kanilang Anti-Drug Abuse Councils (ADAC).

The post Erap, Lani nganga sa iligal na droga appeared first on Abante News Online.

erap lani nganga sa iligal na droga - Erap, Lani nganga sa iligal na droga
lani and erap - Erap, Lani nganga sa iligal na droga

NAGHAIN ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa tanggapan nina Manila City Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at Taguig City Mayor Lani Cayetano dahil sa mababang performance sa operasyon ng kanilang Anti-Drug Abuse Councils (ADAC).

Kinumpirma ni DILG Asec. Ricojudge Echiverri na bagsak ang nakuhang rating ng Maynila at Taguig­ sa 100-based performance standard ng DILG.

Hindi binanggit ni Echiverri ang nakuhang rating­ ng dalawang lungsod.

Nangako naman, aniya, ang mga pinuno ng dala­wang lungsod na tatalima upang palakasin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Kabilang naman sa nakakuha ng mataas na rating ay ang siyudad ng Quezon City at ang Davao City.

Kaugnay nito, mahigit 50 alkalde at isang gobernador naman ang sinampahan ng administrative case ng DILG sa Ombudsman dahil sa kabiguang mag-organisa at magtatag ng ADAC.

Ilan sa kinasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ay tatlong alkalde sa Quezon, isa sa Palawan, dalawa sa Cebu, isa sa Sorsogon.

Kaugnay nito, apat naman na congressman at 25 local government official ang isinama sa narcolist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gayunman, ayaw ni PDEA Director Aaron Aquino na ibulgar ang pangalan ng mga congressman at mga lokal na opisyal dahil sa bineberipika pa nila ito.

Matatandaan na noong Marso 14, isiniwalat ni Pangulong Duterte ang pangalan ng 46 mayor, vice-mayor, board member at tatlong congressman na sangkot sa iligal na droga.

The post Erap, Lani nganga sa iligal na droga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *