Epal sa Pfizer bakuna sibakin

Dapat nang palitan ang miyembro ng gabinete na umano’y sumablay sa negosasyon sa COVID-19 vaccine ng Pfizer, ayon kay Senador Panfilo.

The post Epal sa Pfizer bakuna sibakin first appeared on Abante.

epal sa pfizer bakuna sibakin - Epal sa Pfizer bakuna sibakin
abante ping 3 - Epal sa Pfizer bakuna sibakin

Dapat nang palitan ang miyembro ng gabinete na umano’y sumablay sa negosasyon sa COVID-19 vaccine ng Pfizer, ayon kay Senador Panfilo.

“Mr. Secretary, who dropped the ball? We couldn’t care less if he’s your captain ball. Huddle with your coach to replace him immediately. This is one game we can’t lose,” pahayag ni Lacson sa kanyang tweet nitong Miyerkoles.

Una rito ay tinanong ni Lacson si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagdinig ng Commission on Appointment sa nominasyon ng dalawang Philippine ambassador sa “dropped the ball” sa Pfizer vaccines.

Sagot naman ni Locsin na dumalo online: “I think it’s enough that I really lost my temper because Babe (Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez) and I really worked very hard and we don’t like to see our efforts wasted but never mind, I don’t want to lose my temper on Zoom.”

Sabi naman ni Lacson na hindi na kailangan pangalan pa ni Locsin ang taong iyon dahil sinabi na umano sa kanyang Romualdez.

“I’m just in an SMS exchange with Ambassador Babes Romualdez and you [Locsin] don’t need to tell me,” sabi ni Lacson.

Una rito, nag-tweet si Locsin noong Martes tungkol sa 10 milyon doses ng Pfizer vaccine subalit may isa umanong nagkamali sa negosasyon sa pagitan ng drugmaker at ng gobyerno ng Pilipinas.

“But somebody dropped the ball. I have steel ball bearings. I just need a slingshot,” dagdag nito.

Nang tanungin naman si Lacson kung sino ang tinutukoy nitong captain ball, sinabing nitong : “You can figure out who is the captain ball I am referring to, who keep dropping ball but managers to stay in the game because the coach refuses to replace him,” pahayag ni Lacson.

Samantala, wala namang ideya ang Malacañang kung sino ang tinukoy ni Locsin na umepal sa negosasyon..
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang alam sa isyu kaya mas makabubuting tanungin na lamang si Locsin.

“I have no idea who dropped the ball. Please ask Secretary Locsin,” ani Roque. (Dindo Matining/Aileen Taliping)

The post Epal sa Pfizer bakuna sibakin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *