Epal na staff pinitpit ng Comelec commissioner

Nakahanap ng katapat ang isang maepal ng staff ng senador matapos itong pitpitin ng palabang opisyal ng Commission on Elections.

epal na staff pinitpit ng comelec commissioner - Epal na staff pinitpit ng Comelec commissioner
kartada11 1 - Epal na staff pinitpit ng Comelec commissioner

Nakahanap ng katapat ang isang maepal ng staff ng senador matapos itong pitpitin ng palabang opisyal ng Commission on Elections.

Sumawsaw daw kasi itong staff ng senador sa isyung kinasasangkutan ng Comelec commissioner.

Tweet kasi nitong staff, natatawa siya kung bakit naging personalan na ang taong binibira ng Comelec official gayung puwede namang itong pag-usapan kasama ang mainit ng kape.

Akala nitong sawsawerong staff ay hindi mapapansin ang kanyang tweet dahil biglang nagkomento ang opisyal dahil sa hindi umano nakakatawa ang pasakalye ng kumag.

Kahit sa tweet lang buma­nat ang Comelec official, mai-imagine mong naging basang-sisiw itong staff, nabasa sa pananabon ng opisyal.

Pintahan niyo na. Ang maepal na staff ay nagtatrabaho sa senador na may letrang L as in Lover, habang itong Comelec official ay kilalang-kilala naman sa pagiging matapang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *