Environment user’s fee sa Matabungkay pinalagan

Mariing tinututulan ng mga residente ng Lian, Batangas ang panini­ngil ng kanilang lokal na pamahalaan sa ‘environment user’s fee’ sa mga beach sa Matabungkay samantalang tambak naman ang basura dito.

The post Environment user’s fee sa Matabungkay pinalagan appeared first on Abante News Online.

environment users fee sa matabungkay pinalagan - Environment user’s fee sa Matabungkay pinalagan
fee - Environment user’s fee sa Matabungkay pinalagan

Mariing tinututulan ng mga residente ng Lian, Batangas ang panini­ngil ng kanilang lokal na pamahalaan sa ‘environment user’s fee’ sa mga beach sa Matabungkay samantalang tambak naman ang basura dito.

Nabatid na nakipagpulong kahapon ang mga residente ng Brgy. Santiago sa pangunguna ni Dennis Ila­gan sa mga mamamahayag sa isang lugar sa Pasay City upang ipabatid ang kanilang hinaing.

Ayon kay Ilagan, nagpadala sila ng sulat sa tanggapan ni Lian, Batangas Mayor Isagani Balompo para humi­ling ng kopya ng public hea­ring at mga minutes of meeting na may kaugnayan sa ordinansa hinggil sa paniningil ng P25 kada tao para sa sinasabing ‘environment user’s fee’.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na kopya sa kanila ang tanggapan ng alkalde.

Nabatid na 2016 pa aniya hiniling ng mga residente para ipatigil ang paniningil ng environment user’s fee, na kinukuwestiyon nila kung saan ito napupunta.

Samantalang tambak naman aniya ang basura sa dagat ng Matabungkay at hindi naman aniya ito nililinis.

Nagpadala rin ng sulat ang grupo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa kanilang hinaing na agad namang inaksiyunan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa pamamagitan nang pagpapadala nito ng kinatawan upang imbestigahan ang naturang reklamo. (Armida Rico)

The post Environment user’s fee sa Matabungkay pinalagan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *