Enrollment sa private sadsad – Briones

Bumagsak ang bilang ng enrollment ng mga estudyante sa mga pribadong paaralan dahil sa epekto ng COVID pandemic sa bansa.

The post Enrollment sa private sadsad – Briones first appeared on Abante.

enrollment sa private sadsad briones - Enrollment sa private sadsad – Briones
abante briones - Enrollment sa private sadsad – Briones

Bumagsak ang bilang ng enrollment ng mga estudyante sa mga pribadong paaralan dahil sa epekto ng COVID pandemic sa bansa.

Ito ang iniulat ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pulong nitong Lunes.

Ayon kay Briones, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis sa COVID kaya hindi na nakayang balikatin ang gastos sa mga pribadong paaralan.

Kalahati na lamang aniya ang nakabalik kung saan 2.1 million lamang ang nakapag-enrol kumpara sa pampublikong mga paaralan na 22.5 million.

Bumaba rin aniya ng husto ang enrollment ng working students o yaong nasa tinatawag na Alternative Learning System dahil marami sa mga ito ang nawalan ng trabaho simula magpatupad ng lockdown ang gobyerno noong buwan ng Marso. (Aileen Taliping)

The post Enrollment sa private sadsad – Briones first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *