Enrollment hanggang Nov pa – DepEd

Binigyan pa ng Department of Education (DepEd) ng hanggang sa susunod na buwan ng Nobyembre makapag- enroll ang mga estudyante na hindi pa nakakapagpatala.

The post Enrollment hanggang Nov pa – DepEd first appeared on Abante.

enrollment hanggang nov pa deped - Enrollment hanggang Nov pa – DepEd
abante enrollment 1 - Enrollment hanggang Nov pa – DepEd

Binigyan pa ng Department of Education (DepEd) ng hanggang sa susunod na buwan ng Nobyembre makapag- enroll ang mga estudyante na hindi pa nakakapagpatala.

Ayon kay DepEd Usec Diosdado San Antonio, kahit magsimula na ang klase sa Oktubre 5 ay maari pa rin na makapagpa-enroll ang mga estudyante hanggang sa Nobyembre.

Nalaman na may mahigit dalawang milyon estudyante ang hindi pa nakakapag pa enroll.

Umapela rin si San Antonio sa mga magulang na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa pag-aaral ng kanilang mga anak at tiyakin na makaka-attend sila sa kanilang online classes o makumpleto nila ang kanilang mga modules.

Naniniwalan rin si San Antonio na handa na ang DepEd para sa pagbubukas ng klase.

“Nationwide, 59% ng mga mag-aaral sa bansa ang gagamit ng printed module. Twenty percent ang online, habang 20% din ang offline digital. ‘Yung TV at radyo ay magiging supplemental para maging blended ang learning sa ibang lugar,” ani San Antonio.

Nasa mahigit 24 milyong estudyante sa pampublikong paaralan ang nakapag- enroll at 398,000 naman mula sa pribadong paaralan.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Enrollment hanggang Nov pa – DepEd first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *