Endo bill take 2 sa Senado

Endo bill take 2 sa Senado

MULING inihain kahapon ni Senador Joel Villanueva ang Security­ of Tenure (SOT) bill na kilala rin sa tawag na endo bill na naunang vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

endo bill take 2 sa senado - Endo bill take 2 sa Senado
endo 3 - Endo bill take 2 sa Senado

MULING inihain kahapon ni Senador Joel Villanueva ang Security­ of Tenure (SOT) bill na kilala rin sa tawag na endo bill na naunang vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Villanueva, ang inihain niyang Senate Bill No. 806 ay kapareho lang ng naunang panukala na sinertipikahan bilang urgent ni Duterte noong Setyembre 2018.

“This is actually the same which was certified as priority and urgent. Why it is exactly the same because we wanted to find out from the President’s men na nag-influence na i-veto ito,” pahayag ni Villanueva sa mga reporter matapos ihain ang panukala.

“Ito yung exactly yung provisions yung sinasabi nila na general concerns na hindi makakatulong o makakasama sa ekonomiya,” dagdag pa nito.

Naniniwala naman si Villanueva­ na posibleng nabigyan ng maling impormasyon si Pangulong Duterte na nagresulta sa pag-veto nito sa nasabing panukala.
“Unfortunately, yung mga nakapaligid sa Pangulo failed to give the right information,” sabi ni Villanueva.

Nais ng senador na ipatawag sa public hearing ng endo bill si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil sa ulat na ito ang nagsulsol kay Pangulong Duterte upang i-veto ang panukala.

Ito’y sa kabila ng ginawang pagsuporta ng Department of Finance at Department of Labor and Employment sa endo bill. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *