Empleyado ng Manila City Hall lasog sa tren

Nakaladkad at pumailalim pa sa tren ang katawan ng isang empleyado ng Manila City Hall matapos na mahagip ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR), kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

empleyado ng manila city hall lasog sa tren - Empleyado ng Manila City Hall lasog sa tren
ABANTE crime scene - Empleyado ng Manila City Hall lasog sa tren

Nakaladkad at pumailalim pa sa tren ang katawan ng isang empleyado ng Manila City Hall matapos na mahagip ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR), kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

Nabatid kay PCpl. Marvin Lais ng Manila Police District-Station 7, basag ang bungo at nagkalasog-lasog ang katawan ng biktimang si Florante Dupan Agui­lar, 54-anyos, nakatalaga sa City Engineering Department at residente ng Maria Guison St., Barangay 152, Zone 14.

Naganap ang insidente pasado alas-sais nang umaga sa Triangulo-Antipolo St. Tondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, nakita na nag­lalakad ang biktima sa lugar nang mahagip ito ng tren.

Nabatid na bumili lamang ang biktima ng pandesal at tumawid umano ito sa riles at saka nasagasaan at pumailalim sa tren.

Nanawagan naman kay Manila Ma­yor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang mi­sis ng biktima na si Anna na sana ay bigyan ng tulong ang biktima na may 20 taon nang nag­lilingkod sa Manila City Hall.

Sinabi rin ni Anna na dapat panagutan ng PNR ang sinapit ng mister sa paniniwalang may pagkukulang ito dahil hindi man lang bumusina para nakaiwas sana ang kanyang mister. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *