Emergency clinic sa kampo

Hindi na kailangan pang makipagsiksikan sa mga ospital ang mga miyembro ng Natiional Capital Region Police Office (NCRPO)na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 kasunod ng inlunsad na emergency clinic sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City..

The post Emergency clinic sa kampo first appeared on Abante.

emergency clinic sa kampo - Emergency clinic sa kampo
diwa - Emergency clinic sa kampo

Hindi na kailangan pang makipagsiksikan sa mga ospital ang mga miyembro ng Natiional Capital Region Police Office (NCRPO)na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 kasunod ng inlunsad na emergency clinic sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City..

Sa press briefing kahapon sinabi ni NCRPO director P/MGen Debold Sinas na eksklusibo lang para sa mga pulis sa Metro Manila ang 16 na silid na mayroon ng oxygen tank para sa mga makakaranas ng kakapusan ng hininga.

“Kapag nakaranas sila ng kakapusan sa hininga, punta na agad sila rito o kaya ay ipasusundo namin sila para ihatid dito at agad na maihiwalay sa kanilang pamilya,” ani Sinas.

Ani Sinas, hindi siya pabor na sa bahay mag-quarantine ang kanilang mga pulis dahil posible pa silang makahawa sa kanilang pamilya.

Tiniyak ng opisyal na mayroon silang mga nurse na mag-aasikaso sa kailangan ng mga itp tulad ng maayos na pagkain at bitamina.

Magiging komportable rin aniya ang kalagayan ng mga pulis dahil may sariling toilet ang kanilang emergency clinic. (Mia Billones)

The post Emergency clinic sa kampo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *