Elvira Sanchez: Hindi kami magbabayad ng P12M

Elvira Sanchez: Hindi kami magbabayad ng P12M

Nanindigan ang pamilya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na wala silang intensiyong bayaran ang P12 milyong danyos sa pamilya Sarmento at Gomez.

elvira sanchez hindi kami magbabayad ng p12m - Elvira Sanchez: Hindi kami magbabayad ng P12M
sanchez - Elvira Sanchez: Hindi kami magbabayad ng P12M

Nanindigan ang pamilya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na wala silang intensiyong bayaran ang P12 milyong danyos sa pamilya Sarmento at Gomez.

Ito ang mariing sinabi kahapon ni Elvira Sanchez, sa ikalawang araw ng joint hearing ng Senate blue ribbon at justice committees sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, matapos tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung nabayaran na nito ang P12,671,000 danyos na ipinag-utos ng Korte Suprema.

“Doon po sa kasong kung saan nasentensiya ang iyong asawa sa panggagahsa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at Allan Gomez, sinabi ng Korte Suprema na dapat magbayad ng P12,671,900 si mayor Sanchez. Ito po ba ay nabayaran na?” tanong ni Drilon.

Pero sagot ni Elvira, wala silang intensiyong bayaran ito at nanindigang walang kasalanan ang kanyang asawa.

“Your honor hindi po. Lagi po naming sinasabi, paulit-ulit naming sinasabi, bakit po kami magbabayad, wala po naman po kasalanan ang aking asawa?” sabi ni Mrs. Sanchez.

Subalit giit ni Drilon, “Pero sinabi ng Korte Suprema, may kasalanan ang asawa n’yo at ‘yun po ang tinatanggap ng sambayanan kasama sa hatol ‘yung P12 milyon na sinabi ng Korte Suprema na dapat bayaran ng iyong asawa. Walang kayong intensiyon na bayaran ito?

Sagot ni Mrs. Sanchez: “Actually your honor wala po talaga kaming intensiyon kasi po… Nagsasabi po kami ng totoo. ‘Yung sinasabi po nilang araw at petsa na ni-rape si Eileen Sarmenta at pinatay na si Allan Gomez, nasa amin po ang asawa ko.”

Sagot naman ni Drilon, sinabi na umano niya iyon sa husgado at hindi naman pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi noon.

“Sinabi n’yo na ayaw n’yong bayaran ang P12 milyon na hatol ng Korte Suprema. Ngayon kahit humingi kayo ng executive clemency, kahit humihingi kayo ng pardon, ng executive clemency, ng pabor pero ito ay ayaw n’yong bayaran,” ani Drilon.

Dahil dito, inusisa ni Drilon ang Department of Justice (DOJ) na puwersahin ang pamilya Sanchez sa pagbabayad ng P12 milyong danyos.

“Wouldn’t justice dictate that your prosecutor should move for the issuance of a writ of execution for the Sanchez family to pay P12,671,900 which is already final and executory. As a matter of policy, as a matter of justice?” tanong ng senador kay DOJ Secretary Menardo Guevarra.

“As a matter of justice, yes,” sagot ni Guevarra. (Dindo Matining/Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *