Eleazar sa mga pulis: Lumahok sa absentee voting

HINIMOK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar ang mga pulis na nakadestino sa Metro Manila na lumahok sa isasagawang absentee voting  mula Abril 29 hanggang Mayo 1.

The post Eleazar sa mga pulis: Lumahok sa absentee voting appeared first on Abante News Online.

eleazar sa mga pulis lumahok sa absentee voting - Eleazar sa mga pulis: Lumahok sa absentee voting
ABANTE NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar - Eleazar sa mga pulis: Lumahok sa absentee voting

HINIMOK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar ang mga pulis na nakadestino sa Metro Manila na lumahok sa isasagawang absentee voting  mula Abril 29 hanggang Mayo 1.

Ito ang pahayag kahapon ni Eleazar kasabay ng pagsabi na handa na ang NCRPO para sa mapayapa at maayos na halalan ngayong Mayo 13 sa pamamagitan ng patuloy na pag-iimplimenta ng Comelec gun ban, mga checkpoint sa mga vital na lugar sa Metro Manila.

“While it is true that PNP serves and protects our countrymen so they may peacefully exercise their right to vote, most of our policemen disregard their own rights to suffrage. It is the very reason that I would like to encourage all policemen, especially those who come from their hometowns in the pro­vinces, that every vote counts and your votes are equally significant,” pahayag ni Eleazar sa inilabas nitong statement kahapon.

Saad pa ni Eleazar na kinakailangang samantalahin ng mga pulis ang absentee voting para ma-maximize ang pagpapakalat ng tropa upang maging maayos at mapayapa ang gagawing eleksyon sa Mayo 13.

“I exhort all policemen to vote and vote wisely. Our country deserves good leaders and we will be able to attain this by exercising our right to suffrage wisely,” pahayag ni Eleazar.

Base sa Comelec Reso­lution No. 10443, Section 2, nakasaad dito na may karapatan ang mga pulis na bumto sa pamamagitan ng absentee voting kung sila ay mga rehistradong botante sa kani-kanilang lugar.

Ilan sa mga lugar na maaaring botohan ng mga pulis na nakadestino sa NCRPO ay sa Camp Crame headquarters Quezon City, Malabon City Police Station, Eastern Police District Headquarters sa Caruncho Avenue, Pasig City, Pateros Municipal Hall, Quezon City Police District Headquarters, at Regional Mobile Force Battalion sa Muntinlupa Purpose Hall, at sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Samatala aabot naman sa 15,000 mga pulis ang ikakalat sa Metro Manila sa araw ng eleksyon.

“We will be deploying around 15,000 personnel. This is not just in polling centers or canvassing areas but also to maintain our anti-criminality efforts,” saad ni Eleazar. ­

The post Eleazar sa mga pulis: Lumahok sa absentee voting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *