Eleazar, Gamboa, Cascolan na-promote

Nagkaroon ng balasahan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pagreretiro ng number 2 man na si Lt. General Fernando Mendez Jr.

eleazar gamboa cascolan na promote - Eleazar, Gamboa, Cascolan na-promote
Guillermo Eleazae - Eleazar, Gamboa, Cascolan na-promote

Nagkaroon ng balasahan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pagreretiro ng number 2 man na si Lt. General Fernando Mendez Jr.

Mapo-promote bilang Chief of the Directoral Staff o number 4 man ng PNP si dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Guillermo Eleazar.

Papalit kay Mendez bilang number 2 man si Lt. General Archie Gamboa habang si Lt. General Camilo Cascolan ay papalit kay Gamboa bilang number 3 man o deputy chief ng PNP for Operations.

Sina Eleazar, Gamboa at Cascolan ay kinokonsiderang papalit kay PNP chief General Oscar Albayalde na magreretiro na sa Nobyemre 8 sa kanyang mandatory age na 56-anyos.

Sina Gamboa at Cascolan ay kaklase ni Albayalde sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986 habang si Eleazar naman ay mula sa PMA Hinirang Class of 1987.

Samantala, papalit bilang NCRPO chief si dating Police Regional Office 7 Regional Director Police Brig. General Debold Sinas na mistah ni Eleazar. Wala pang napipiling kapalit ni Sinas bilang bagong PRO 7 Regional Director.

Ayon naman kay PNP Spokeperson Brig. General Bernard Banac, habang sinusulat ang balitang ito, wala pa umanong kumpirmasyon at naghihintay pa umano siya ng anunsiyo mula kay Albayalde. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *