El Shaddai mananagot sa mass gathering

Pinaiimbestigahan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Joint Task Force Coronavirus Disease (JTF COVID) Shield ang mga report ng mass gathering ng El Shaddai nitong Kapaskuhan.

The post El Shaddai mananagot sa mass gathering first appeared on Abante.

el shaddai mananagot sa mass gathering - El Shaddai mananagot sa mass gathering
abante el shadai - El Shaddai mananagot sa mass gathering

Pinaiimbestigahan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Joint Task Force Coronavirus Disease (JTF COVID) Shield ang mga report ng mass gathering ng El Shaddai nitong Kapaskuhan.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, pinatitingnan ng kalihim ang mass gathering noong Sabado sa “Family Appointment” event ng Catholic charismatic movement ng El Shaddai.

Ginanap ito sa House of Prayer sa Amvel City of Faith sa Parañaque na pagmamay-ari ni Mike Velarde.

Makikita sa event, na naka-livestream sa YouTube account ng Delta Broadcasting System, na marami sa mga daan-daang debotong dumalo ay hindi pinanatili ang social distancing sa upuan kahit nakasuot sila ng face mask.

Pagtitiyak ni Año, nag-e-effort ang mga lokal na gobyerno para mapigilan itong mga mass gathering.

“The PNP will take the appropriate actions including formal investigations,” aniya pa.

Magsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Parañaque City government at pagpapaliwanagin ang El Shaddai kung bakit nagsagawa ito ng mass gathering ng hindi nasunod ang mga health protocol.

Nauna nang napaulat na sinabi ni Paranaque City Administrator Ding Soriano na walang permit ang El Shaddai sa ginawang pagtitipon. (RC)

The post El Shaddai mananagot sa mass gathering first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *