El Shaddai bilib kay Bong Revilla

HINDI natinag ang El Shaddai sa kabi-kabilang paninira na pinupukol ng mga kalaban sa politika laban kay Sen. Bong Revilla bagkus nangunguna ito sa mga inendorso para manalong Senador sa darating na eleksyon.

The post El Shaddai bilib kay Bong Revilla appeared first on Abante News Online.

el shaddai bilib kay bong revilla - El Shaddai bilib kay Bong Revilla
abante Bong Revilla - El Shaddai bilib kay Bong Revilla

HINDI natinag ang El Shaddai sa kabi-kabilang paninira na pinupukol ng mga kalaban sa politika laban kay Sen. Bong Revilla bagkus nangunguna ito sa mga inendorso para manalong Senador sa darating na eleksyon.

Pinatunayan ni Mariano Zuniega Velarde o Bro. Mike Velarde founder at “Servant Leader” ng Philippine-based Catholic charis­matic movement na mas kilala sa tawag na El Shaddai na hindi sila kailan man nagpapadala sa dikta ng iba.

Ang El Shaddai na tinatayang aabot hanggang pitong milyong miyembro ay nanindigang mabubuting Senador lamang ang kanilang inendorso at alam nilang makakatulong sa bansa sa darating na panahon.

Si Revilla na nakulong ng apat na taon at anim na buwan sa Custodial Center ng Camp Crame ay sinampahan ng imbentong kaso ng mga kalaban sa politika kaya napawalang-sala ito ng Sandiganbayan.

Kaya maging ang pamunuan ng El Shaddai ay inabsuwelto si Revilla, nilinis ang muntik nang masirang pangalan at ngayon binigyan ng napakala­king suporta nang isa ito sa pangunahing inendorso nila para mabalik sa Senado.

Sa ilang minutong ibinigay kay Revilla para magsalita ay sinabi nitong umabot sa 614 panukalang batas ang kanyang iniakda at 223 sa mga ito ay umiiral na batas na at dodoblehin pa niya ang sipag sakaling mabalik sa Senado.

Matapos mailatag ni Revilla ang kanyang plataporma na kumikiling sa mga manggagawa, OFW at mahihirap nating kababayan ay umani ito ng masigabong palakpakan mula sa mga kaanib ng El Shaddai.

The post El Shaddai bilib kay Bong Revilla appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *