El Niño extended sa Agosto — Pagasa

TATAGAL pa ng hanggang Agosto ang nararanasang El Niño Phenomenon kaya ang inaasahang pagpasok ng rainy season sa pagitan ng buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay maaantala.

The post El Niño extended sa Agosto — Pagasa appeared first on Abante News Online.

el nino extended sa agosto pagasa - El Niño extended sa Agosto — Pagasa
el nino 2 - El Niño extended sa Agosto — Pagasa

By Tina Mendoza

TATAGAL pa ng hanggang Agosto ang nararanasang El Niño Phenomenon kaya ang inaasahang pagpasok ng rainy season sa pagitan ng buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay maaantala.

Ayon kay Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) weather specialist Jorybell Masallo na kung pagbabatayan ang major climate models ay matagal pa ang nararasang El Niño.

Asahan umano na mas maraming bayan ang makakaranas ng tagtuyot dala ng atrasadong panahon ng tag-ulan, ani Masallo ngayong buwan ng Mayo ay nasa below normal rainfall condition na sa Bicol Region, Eastern Visayas at ilang bahagi ng western at southern Luzon.

Kahapon ay isinailalim na din sa state of calamity dahil sa tagtuyot ang San Isidro sa Leyte.dahil tuyo na ang mga palayan kung saan nasa 700 magsasaka ang apektado.

Pagsapit ng Hunyo ay inaasahan ang generally normal rainfall condition sa Visayas at Mindanao subalit walang pag-uulan na mangyayari sa ma­laking bahagi ng Northern at Central Luzon.

Hanggang sa katapusan ng Mayo ay makararanas ng dry spell ang apat na porsyento na bahagi ng bansa o nasa tatlong lalawigan habang 17 probinsya ang mararakanas ng tagtuyot.

Aminado ang Pagasa na dahil sa El Niño Phenomenon ay patuloy ang nararanasang maalinsangan na panahon.

Noong Miyerkoles ay naitala ang pinakamataas na heat index sa Casiguran, Aurora na umabot sa 46.9 degrees Celsius
Nasa 46.3 degrees Celsius heat index sa Guian­, Eastern Samar, 45.6 degrees Celsius sa Dagupan, Pangasinan, 40 degrees Celsius sa Maynila at 42.3 degrees Celsius heat index sa NAIA sa Pasay City.

Ang lagpas sa 41 degrees Celsius heat index ay tinuturing nang mapanganib ng Pagasa kaya muli ang paalala nito sa publiko na panatilihing hydrated ang katawan upang iwas heat stroke.

The post El Niño extended sa Agosto — Pagasa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *