Ekonomiya kinaladkad ng kasakiman sa pork

Mga economic manager aminado sa paghina ng GDP

BUMAGAL ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamababa nito sapul nu’ng first quarter ng 2015.

The post Ekonomiya kinaladkad ng kasakiman sa pork appeared first on Abante News Online.

ekonomiya kinaladkad ng kasakiman sa pork - Ekonomiya kinaladkad ng kasakiman sa pork
ekonomiya - Ekonomiya kinaladkad ng kasakiman sa pork

By Eileen Mencias

BUMAGAL ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamababa nito sapul nu’ng first quarter ng 2015.

Ayon kay Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia, 5.6% lamang ang nilago ng ekonomiya ng bansa o ng gross domestic product, ang pinakamahina since first quarter 2015 nang ang GDP ay itinala sa 5.1%.
Higit na mababa ito kaysa sa 7-8% target na paglago ng admi­nistrasyong Duterte na umaasang palalaguin ng programa nitong Build, build, build ang ekonomiya.

Ayon kay Ibon Foundation research head Rosario Bella Guzman, pabagal nang pabagal ang paglago ng ekonomiya at senyales ito na malala ang hinaharap ng ekonomiya.

Sinisi ni Pernia ang paghina ng ekonomiya sa mabagal na pag-apruba ng Kongreso sa budget ngayong taon.

Imbes na mapirmahan noong Disyembre 2018, nitong Abril 15, 2019 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 trilyon pero vineto nito ang P95 bilyon pork — P75 bilyon dito ay sa Kamara at P20 bilyon sa Senado.

Naantala ang pagpapatibay ng Senado at Kamara sa budget dahil sa giyera sa insertions o pork barrel fund. Hinarang ng Senado ang P75 bilyon post-bicam insertion ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa iligal ito.

Para sa Ibon Foundation, isang non-go­vernment research organization, naka­babahala ang kahinaan ng agrikultura at manufacturing. Ang masaklap pa, tinaas ng pamahalaan ang buwis sa pamamagitan ng TRAIN kung saan higit na mas mabigat ang kinuhang buwis mula sa mahihirap para gastusin sa infrastructure na higit na makikinabang ang mayayaman.

The post Ekonomiya kinaladkad ng kasakiman sa pork appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *