Edsa provincial bus terminal sa QC hindi aalisin

HINDI aalisin ang mga provincial bus terminal sa Quezon City na nasa kahabaan ng Edsa sa lungsod.

edsa provincial bus terminal sa qc hindi aalisin - Edsa provincial bus terminal sa QC hindi aalisin
traffic edsa - Edsa provincial bus terminal sa QC hindi aalisin

HINDI aalisin ang mga provincial bus terminal sa Quezon City na nasa kahabaan ng Edsa sa lungsod.

Ito ay sinabi ni QC Councilor Winston Castelo makaraang sumalang sa isang dialogue sa QC hall sa pagitan ng mga bus owner sa lungsod.

Aniya, sa pulong nalaman niya na may 3 percent lamang ng mga provincial bus ang pumapasok sa Quezon City taliwas sa ulat na ang mga pumapasok na bus mula probinsya ang ugat ng traffic sa lungsod.

“Three percent lang ang provincial bus na pumapasok sa QC so napakaliit nila, kung ti­tingnan natin, hindi sila rason ng traffic, there could be someone else.Kaya nga magsasagawa muna kami sa council ng malalimang imbestigasyon bago aksiyonan ang usaping ito,” paha­yag ni Castelo.

Binanggit din ni Castelo ang hirap na papasanin ng mga taga-probinsya na papasok ng Maynila lalo na kung may mga dala-dalang bata, matatanda na mag-iilang sakay at gastos para lamang makapasok sa Quezon City.

Batay sa plano ng pamahalaan, ang mga provincial bus na magmumula sa norte ay ibaba ang mga pasahero sa Valenzuela terminal at saka sasakay muli ng pampasaherong sasak­yan papunta sa kanyang destinasyon samantalang ang mga galing south ay ibaba ng provincial bus ang kanilang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal at saka sasakay ulit ng pampasaherong sasakyan papasok ng Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *