ECQ violation ni Koko hahatulan na ng DOJ

Isinumite na para sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa laban kay Senator Aquilino Pimentel Jr. may kaugnayan sa paglabag nito sa quarantine protocol.

The post ECQ violation ni Koko hahatulan na ng DOJ first appeared on Abante.

ecq violation ni koko hahatulan na ng doj - ECQ violation ni Koko hahatulan na ng DOJ
abante koko pimentel - ECQ violation ni Koko hahatulan na ng DOJ

Isinumite na para sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa laban kay Senator Aquilino Pimentel Jr. may kaugnayan sa paglabag nito sa quarantine protocol.

“It’s submitted for resolution as of yesterday,” ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Matatandaang Setyembre 9 ay inatasan ni Assistant State Prosecutor Wendell Bendoval si Pimentel, complainant na si Atty. Rico Paolo R. Quicho na magsumite ng komento kaugnay sa report ng National Bureau of Investigation (NBI) .

Nalaman na tinanggap ng prosecutors noong Setyembre 4 ang NBI memorandum report na may petsang Agosto 24 kabilang ang kopya ng incident report ni Dr. Saturnino Javier ng Makati Medical Center (MMC).

Nabatid na noong Hulyo ang kaso laban kay Pimentel ay nasa resolusyon na ng prosecutors matapos makumpleto ng mga partido ang kani-kanilang pleadings

Sinabi ni Pimentel sa kanyang counter-affidavit na ang reklamo laban sa kanya ay ” fatally defective” at ibinase lamang sa news reports.

Sanhi nito ay ini-evaluate ng DOJ ang reklamo ni Quicho laban kay Pimentel naunang nabalitang nagpunta ng Makati Medical Center (MMC) para samahan ang manganganak na asawa kahit siya ay naka- quarantine.(Juliet de Loza-Cudia)

The post ECQ violation ni Koko hahatulan na ng DOJ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *