Ebola outbreak sumabay sa COVID

Di pa man napupuksa ang pandemya sa COVID-19 ay sinabayan na ito ng Ebola outbreak sa Congo kung saan lima na agad ang nasawi.

ebola outbreak sumabay sa covid - Ebola outbreak sumabay sa COVID
ebola - Ebola outbreak sumabay sa COVID

Di pa man napupuksa ang pandemya sa COVID-19 ay sinabayan na ito ng Ebola outbreak sa Congo kung saan lima na agad ang nasawi.

Kabilang sa biktima ang 15-anyos na babae habang siyam pang kaso ang naiulat, ayon sa UNICEF sa ulat ng CNN.

Dagdag pang apat ang ginagamot sa isang isolation unit sa Wangata Hospital sa Mbandaka.

Ito na ang ika-11 outbreak ng deadly virus sa Congo, simula nang una itong madiskubre sa bansa noong 1976.

Maliban sa Ebola, mayroon nang 3,195 na kaso ng coronavirus at 72 na ang nasawi sa central African country.

Ayon sa Department of Health, ang Ebola virus ang sanhi ng nakakahawa at nakakamatay na sakit sa tao at mga hayop tulad ng gorilla.

Nakukuha ito sa paghipo o paghawak ng maysakit na positibo sa Ebola, dugo o iba pang “body fluids” mula sa maysakit tulad ng pinagsukahan, laway, dumi, ihi, semilya at mga kontaminadong gamit ng maysakit tulad ng karayom, sapin ng kama at kumot.

Ito ay hindi nakukuha sa hangin, sa pag-ubo o pagbahing. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *