E-power gawing urgent bill — Tugade

E-power gawing urgent bill — Tugade

Umaasa ang Department of Transportation na mapabilis ang pagpasa ng panukalang emergency power sa pagpasok ng 18th Congress para maresolba ang krisis sa trapiko sa Metro Manila.

The post E-power gawing urgent bill — Tugade appeared first on Abante News Online.

e power gawing urgent bill tugade - E-power gawing urgent bill — Tugade
tugade 2 - E-power gawing urgent bill — Tugade

Umaasa ang Department of Transportation na mapabilis ang pagpasa ng panukalang emergency power sa pagpasok ng 18th Congress para maresolba ang krisis sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade na kanilang hihilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang nasabing panukala.

Sabi pa ng kalihim pipilitin niyang maipaliwanag ng mabuti sa mga senador ang kahalagahan ng panukala upang mapadali na rin ang pagpasa nito.

“Huwag po natin pabaunan ng duda yung deliberasyon, pababaunan ko ‘yan ng kaliwanagan sa pag-uusap. Naniniwala ako na kung ang mga mag-uusap ay may kaliwanagan, magkakaroon ng kooperasyon at puwede po nating mapadali ito,” pahayag ni Tugade matapos maki­pagpulong kay Senador Francis Tolentino kahapon.

“Kung magkasundo po kami sa mga datos at detalye, hindi po ba mas magandang pumunta kami kay Pangulo na handa na yung detalye kaysa blanket na hihingin na wala pang detalye,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukalang emergency power na nakapaloob sa panukalang ihahain ni Tolentino, ipatutupad doon ang pagbabago sa oras ng pagpasok sa mga opisina o kompanya. Liliwanagin din dito ang magiging papel ng mga local go­vernment unit. (Dindo ­Matining)

The post E-power gawing urgent bill — Tugade appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *