E-cigarette talamak sa mga elementary student

NAALARMA ang Department of Health (DOH) sa paglobo ng kaso ng paggamit ng e-cigarette sa bansa.

e cigarette talamak sa mga elementary student - E-cigarette talamak sa mga elementary student
ABANTE e cigarette 1 - E-cigarette talamak sa mga elementary student

NAALARMA ang Department of Health (DOH) sa paglobo ng kaso ng paggamit ng e-cigarette sa bansa.

“Dito po sa Pilipinas, parang 1 percent na ng Pilipinas ang gumagamit nito pero sa ibang bansa katulad sa Amerika, parang nagiging epidemic na ito ‘no sa mga kabataan,” pahayag ni Health Undersecretary Eric Domingo sa media briefing kahapon.

Nagpahayag din ng pag-aalala ang DOH official sa pagtaas ng bilang ng mga batang gumagamit ng e-cigarette.

“May mga kabataan pati po mga estudyante sa elementarya pa lamang, gumagamit na sila ng vape at hindi nila naiisip na masama ito dahil nakakaengganyo ‘no; ang bago, iba-ibang flavor at iyon pong mga packaging, kung makikita ninyo iyong iba, parang pambata po talaga,” dagdag ni Domingo.

Bunsod nito sinabi ni Domingo na hindi dapat ito ipino-promote bilang pamalit sa sigarilyo.

“Pero kahit po ang kaniyang pac­kaging at ang kaniyang promotion ay nakakaakit sa pambata, iyong disenyo po ng vape, hindi ‘yan para sa mga bata. At ang ganitong mga produkto ay hindi nakakabuting alternatibo sa normal ‘no o ‘yung tinatawag nating regular cigarettes,” ayon pa kay Domingo.

“Ang vape ay nakakasama sa ating kalusugan, hindi po ito ligtas. Sa katunayan, mayroon na pong 1,604 cases na tinatawag nating EVALI o iyong E-Cigarette or Vaping Product Use Associated Lung Injury sa Amerika na tatlumpu’t apat or 34 na pagkamatay,” dagdag nito.

Naniniwala rin si Domingo na maaaring bumitaw sa paggamit ng e-cigarette kapag tinaasan ang presyo nito.

“Isa ang taxation sa mga epektibong paraan para tigilan ang paggamit ng vape lalung-lalo na sa kabataan. Hindi naman po natin gusto na iyong hindi gumagamit ng vape ay matuto na magkaroon ng bisyo. Kaya pagtaas pa lamang ng presyo, mababawasan na iyong initiation or beginning the use of this bad habits. May datos na po na nagpatunay na bumababa ang consumption ng vape sa mga kabataan kapag inangat ang presyo nito katulad po ng sa sigarilyo,” sabi pa ng opisyal. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *